Ulat na pinagkakakitaan ng Kadamay ang pabahay sa Pandi, iimbestigahan ng Malakanyang

By Rhommel Balasbas February 02, 2018 - 03:37 AM

 

Ikinadismaya ng Malacañang ang ulat na ilan sa mga miyembro ng Kadamay ang nagsisimula nang ibenta ang mga bahay na kanilang iligal na inokupa.

Matatandaang inihayag ng ng National Housing Authority (NHA) na nakatanggap sila ng ulat na isang bahay na ang iligal na naibenta at ang transaksyon ay naidokumento pa sa isang video.

Sa pagbisita rin ng NHA sa naturang project housing sa Pandi ay napag-alaman ng ahensya na 667 na units ang pinauupahan ng mga miyembro ng Kadamay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naghahanda na sila ng mga kaukulang aksyon tungkol sa mga nasabing ulat.

Nakakalungkot ani Roque na pinayagan na nga ng presidente na ipamahagi ang mga units sa Kadamay dahil karapatan ng lahat na magkaroon ng bahay ay nagawa pa nila ito.

Ayon sa opisyal, hindi tama na pagkakitaan ang bagay na ipinagkaloob na nga ng Presidente para tugunan ang kanilang karapatan.

Sa isang pahayag naman ay sinabi ng Kadamay na magsasagawa rin sila ng karampatang aksyon upang mapigil ang mga kahalintulad na transaksyon.

Binatikos din ng militanteng grupo ang pagsasapubliko pa sa isyu na anila’y nagdulot ng negatibong impresyon sa kanilang grupo.

Marso noong nakaraang taon ng nasa 5,000 katao sa pangunguna ng Kadamay ang nag-okupa sa anim na housing projects ng gobyerno sa Pandi at San Jose del Monte Bulacan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.