Matapos pormal na ilabas sa merkado noong Biyernes, September 25, umabot na sa labing tatlong milyong piraso ng iPhone 6S ang nabenta sa mga bansa kung saan ito unang inilabas.
Nang ilabas sa merkado, hindi muna pinayagan ang online purchase at sa halip ay puro walk-in customers lamang ang pinagbentahan ng bagong iPhone series.
Sa unang tatlong araw, nakapagtala ng mataas na record ng bentahan sa Japan, Hong Kong, U.S at China.
Dahil papalapit ang holiday season, inaasahang sa mga susunod na buwan mas marami pang bibili ng bagong iPhone series.
Kabilang sa mga bagong features ng iPhone 6S at iPhone 6S plus ay ang revolutionary Multi-Touch interface na may 3D Touch at Live Photos.
Nakatakda ang second release ng bagong iPhone series sa October 9, kung saan magiging available ito sa 40 bansa pa kabilang ang Mexico, Spain, at Taiwan.
Sa ikatlong release sa October 16 ay mabibili na rin ito sa India, Malaysia, at Turkey, at iba pang mga bansa kabilang ang Pilipinas.
Target ng Apple na makapagbenta ng 78.4 million na iPhones hanggang sa pagtatapos ng taong 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.