System audit sa MRT- 3 aarangkada na ngayong araw
Simula na ngayong araw, February 1, ang due diligence at systems audit sa MRT-3 ng mahigit 50 mga engineers at mga eksperto mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
Mahalaga umano ang systems audit para malaman ang rehabilitation at restoration works na kinakailangan para sa MRT-3 system na isasagawa ng mapipiling maintenance provider na magsisimula sa buwan ng Mayo.
Matatandaang isang Japanese company ang nagdisenyo at bumuo ng MRT-3 mula 1998 hanggang 2000 at pinangasiwaan ang maintenance mula 2000 hanggang 2012.
Aminado naman si Undersecretary for Railways TJ Batan na kinakailangan nila ng lahat ng tulong at nagagalak naman sila na tumugon ang Japanese Government sa kanilang hiling na maasistehan para isaayos at i-rehabilitate ang MRT-3.
Ang systems audit na ito ay hiwalay pa sa Independent Audit and Assessment (IAA) ng TUV Rheinland, para sa kabuuan ng MRT-3 system, kabilang na ang 48 mga TRAIN cars na nagmula sa CRRC Dalian.
Nagsimulang magtrabaho ang TUV Rheinland noong Enero 3 at tatagal ng tatlong buwan.
Ngayong buwan ng Pebrero, sinabi ni Batan na nakatakdang dumating ang mga karagdagang trains.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.