Matapos sumuko sa NBI, Mark Taguba ihaharap sa korte

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2018 - 07:56 AM

Dadalhin sa Manila Regional Trial Court (RTC) ngayong umaga ang customs broker na si Mark Taguba.

Ito ay para sa return of the warrant makaraang sumuko si Taguba noong Miyerkules sa mga ahente ng National Bureau of Investigation dahil sa kasong may kinalamansa P6.4 billion shabu shipment.

Si Judge Rainelda Estacio-Montesa ng branch 46 ng Manila RTC ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Taguba.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kalayaan ni Taguba at iba pang akusado.

Si Taguba ay unang kinasuhan ng Department of Justice ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa importasyon ng iligal na droga.

Bukod kay Taguba, ipinaaresto din ng korte ang mga kapwa nito akusado na sina Li Guang Feng alyas Manny Li, Dong Yi Shen Xi alyas Kenneth Dong, Eirene Mae Tatad, Teejan Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jhyun, at Chen Rong Juan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Customs, mark taguba, shabu shipment, Bureau of Customs, mark taguba, shabu shipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.