Bagong batas laban sa fake news hindi na kailangan ayon sa Malakanyang

By Chona Yu January 31, 2018 - 01:41 PM

Nanindigan ang palasyo ng Malakanyang na hindi na kailangan na bumalangkas ng bagong batas para malabanan ang pagkalat ng fake news.

Ayon kay Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, sapat na ang kasong libel at paglabag sa Cyber Crime Act.

Sinabi ni Asec. Banaag na bagama’t opsyon ng lehislatura ang pagpasa ng batas, dapat magkaroon ng malinaw na depinisyon ng “fake news” para alam kung ano ang pinag-uusapan at papaano pagtutulungan sa gobyerno.

Inihayag ni Banaag na sa panig ng PCOO, ilan sa kanilang rekomendasyon laban sa “fake news” ay magkaroon ng kooperasyon ang lahat ng nasa gobyerno lalo sa Department of Education o DepEd, Commission on Higher Education o CHED kasama ang mga nasa private sector para mas paigtingin ang kampaniya para sa mas responsableng pamamahagi ng impormasyon at ng mga bagay na nababasa ng mga kabataan at lahat po ng mga kababayan

TAGS: Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, fake news, Malakanyang, Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, fake news, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.