Mga Kristiyanong negosyante dapat tanggapin sa Marawi City – Pres. Duterte
Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Maranao na tanggapin ang nga Kristiyanong mamumuhunan na maglagak ng negosyo sa Marawi City.
Sa pagdalo ng pangulo sa groundbreaking ceremony para sa construction ng bagong military camp sa Old City Hall sa Marawi City, sinabi nito na kailangan na magtulungan ang mga Kristiyanong at Muslim para maging progresibo ang Marawi.
Giit ng pangulo, “You will need the Christians as the Christians need the Muslim population”.
Target ng pangulo na mabigyan ng mas mabuting buhay ang mga taga Marawi kaysa sa kinagisnang buhay na ibinigay ng kanilang mga ninuno.
Muli ring hinimok ng pangulo ang mga taga Marawi na huwag nang hayaang makapasok muli sa kanilang komunidad ang mga terorista at maging mapagmatyag para hindi na maulit ang madugong Marawi siege.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.