Lalaki, patay matapos mahagip ng tren sa Laguna

By Kabie Aenlle January 31, 2018 - 01:07 AM

 

Patay ang isang lalaki matapos siyang mabangga ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, nakasakay ang biktimang si Patrick de Dios sa kaniyang bisikleta nang mangyari ang aksidente.

Hindi napansin ni De Dios ang paparating na tren dahil nakasuot siya ng headphones habang tumatawid sa riles ng tren kaya hindi niya narinig ang busina nito.

Dahil dito, nahagip siya ng tren at tumilapon siya sa kalapit na tindahan ng isda dahil sa lakas ng impact.

Nagtamo ng bali sa leeg, paa at fracture sa ulo si De Dios, na naging dahilan ng kaniyang pagkakasawi.

Dahil sa nangyaring aksidente, mahigpit ang paalala ng mga otoridad na iwasang gumamit ng headphones at maging alerto kapag tumatawid sa mga riles ng tren upang makaiwas sa disgrasya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.