Air quality sa Guinobatan, nasa critical level na ayon sa EMB

By Kabie Aenlle January 31, 2018 - 02:55 AM

 

Michael B. Jaucian/Inquirer

Naaalarma na ang mga eksperto mula sa Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa BIcol sa pagiging “acutely unhealthy” ng kalidad ng hangin sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon.

Ayon sa environmental specialist na si Engr. Nathan Campo, lubhang mapanganib na ang hangin na nalalanghap partikular sa lugar ng Guinobatan.

Ito’y dahil sa taglay nitong high substance ng mga pollutants o particulates bunsod ng pagbubuga ng abo ng bulkan.

Base sa pinakahuling datos ng EMB Bicol gamit ang air pollution monitoring equipment, umabot na sa critical level ang air quality na nasukat na sa 553, gayong ang average o normal level lang ay 150.

Acutely unhealthy na rin ang ambient air quality na naitala sa Ligao City mula January 21 hanggang 24 dahil sa ash fall.

Dahil sa ganitong sitwasyon, nag-aalala ang Department of Health (DOH) na magdudulot ito ng pagtaas ng kaso ng mga sakit sa paghinga tulad ng asthma, ubo at sipon sa mga residenteng apektado ng ash fall.

Kaya naman nanawagan ang mga eksperto na hangga’t maaari ay manatili na lamang sa loob ng mga tahanan upang makaiwas sa mga respiratory ailments na maaring idulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.