2 miyembro ng gun-for hire, patay sa encounter sa Camarines Sur

By Jay Dones January 31, 2018 - 01:51 AM

 

Dalawang hinihinalang miyembro ng isang gun-for-hire gang ang napatay ng mga otoridad sa operasyon laban sa grupo sa bayan ng Bula, Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng 9th Infantry Division ng Army, mga miyembro ng Concepcion Group ang mga napatay sa pakikipagbakbakan ng mga ito sa mga otoridad.

Ang grupo umano ay sangkot sa serye ng pagpatay sa naturang lalawigan.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang militar at pulisya na nagtatago sa Barangay Sto. Niño sa Bula, Camarines Norte ang ilang miyembro ng Concepcion group.

Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang mga otoridad upang madakip ang mga gun-for-hire suspects.

Gayunman, nanlaban umano ang grupo kaya’t humantong sa engkwentro ang insidente.

Matapos ang palitan ng putok, dalawa sa mga suspek ang nasawi samantalang nagpapatuloy ang pursuit operations ng mga otoridad laban sa iba pang mga tumakas na suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.