GM Balutan, nagsisinungaling sa isyu ng suhol mula kay Atong Ang-Sandra Cam

By Erwin Aguilon January 31, 2018 - 12:33 AM

 

Kinompronta ni PCSO Board Member Sandra Cam si PCSO General Manager Alexander Balutan sa pagdinig ng House Committee on games and amusement.

Ayon kay Cam, nagsisinungaling si Balutan nang sabihin na nito na nag alok ng lagay ang kilalang gambling operator na si Atong Ang sa kanya at kay dating PCSO Chair George Corpus.

Sinabi ni Cam na mababa ang sinasabi ni Balutan na P200,000 na suhol kumpara sa tinatanggap ng mga ito sa gambling lord na si Bong Pineda.

Hinamon pa ni Cam si Balutan na sampahan siya ng kaso dahil sa kanyang akusasyon.

Kung sanay anya si Balutan bilang dating Marine general sa giyera sa bukid ayon kay Cam hindi niya ito uurungan.

Nauna rito sinabi ni Balutan na nag alok ng suhol si Ang sa kanya at kay Corpus nang magtungo sa tanggapan ng PCSO kasama si Cam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.