Mahigit $1M natangay matapos mapasok ng hackers ang ilang ATM machines sa US

By Dona Dominguez-Cargullo January 30, 2018 - 09:59 AM

Nakatangay ng aabot sa $1 million ang grupo ng hackers na pinaniniwalaang kasapi ng international criminal syndicates makaraang mapasok ang sistema ng ATM machines sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos.

Ayon sa US Secret Service, sa pamamagitan ng pag-hack sa mga ATM, nagawa ng mga suspek nag awing mistulang slot machines ang mga ito para dire-diretsong mag-dispense ng pera.

Sinabi ni Matthew O’Neill, special agent ng criminal investigations division sa US, sa nakalipas na mga araw, nakapagtala sila ng hacking incident sa ATMs sa bahaging Gulf Coast hanggang sa New England Region.

Tinawag ng mga opisyal na “jackpotting attacks” ang ginagawang ito ng sindikato.

Nakapagtala na rin ng ganitong insidente sa mga nagdaang taon sa ilang bahagi ng Europe at Latin America.

Noong nakaraang linggo, naglabas na ng babala ang dalawa sa pinakamalalaking ATM makers sa mundo at sinabing may cyber criminals ang umaatake sa mga ATM.

 

 

 

 

 

TAGS: atm, ATM machines, hacking, jackpotting, US, atm, ATM machines, hacking, jackpotting, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.