Malacañang, may nais pagtakpan kaya sinuspinde ang Deputy Ombudsman

By Kabie Aenlle January 30, 2018 - 03:28 AM

bamaquino.com photo

Malakas ang paniniwala ng mga senador mula sa oposisyon na may nais pagtakpan ang Malacañang kaya sinuspinde nila si Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang.

Si Carandang kasi ang naatasang mag-imbestiga sa diumano’y milyun-milyong halaga ng transaksyon sa mga bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kaniyang pamilya.

Sa joint statement na inilabas nina Senators Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros, mariin nilang kinondena ang ipinataw ng Executive Secretary na 90-day suspension kay Carandang bunsod ng mga isinampang kaso laban sa kaniya.

Ayon kay Pangilinan, lumalabas na isa itong uri ng harassment sa isang “government figure” na nagsusulong ng transparency sa mga opisyal ng pamahalaan, partikular na sa Punong Ehekutibo.

Iginiit naman ni Aquino na mahalaga ang pananatiling independent body ng Office of the Ombudsman bilang ito ang anti-graft agency ng gobyerno dahil sila ang umaalam kung may mga tagong-yaman ang mga opisyal ng pamahalaan.

Ipinagtataka naman ni Hontiveros kung bakit pananagutin ang isang tao sa pagbubunyag ng isang mahalagang impormasyon.

Napaisip rin aniya si Hontiveros na baka ang hakbang na ito ng Palasyo ay isang kumpirmasyon kaugnay ng pagiging tunay ng isinasaad ng records mula sa Anti-Money Laundering Council.

Matatandaang kinasuhan ng Malacañang si Carandang kahapon dahil sa umano’y maagang paglalabas nito ng mga “unauthenticated documents” na may kaugnayan sa mga nasabing kontrobersyal na transaksyon.

Samantala, tinawag naman ni Sen. Antonio Trillanes IV na “the height of ignorance” ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maari itong gawin ng Palasyo dahil binigyan na ng Korte Suprema ang Office of the President ng supervision sa mga deputy ombudsmen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.