SC justice at 2 mahistrado ng Sandiganbayan, haharap sa impeachment hearing vs Sereno

By Erwin Aguilon January 29, 2018 - 09:12 AM

INQUIRER.net File Photo

Haharap ngayong araw sa pagpapatuloy ng impeachment hearing laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang isang Supreme Court Justice at dalawang mahistrado ng Sandiganbayan.

Ayon sa house justice committee, dadalo sa pagdinig si SC Associate Justice Mariano Del Castillo at kabilang sa uusisain dito ang may kinalaman sa pagbili ng Toyota Land Cruiser ng punong mahistrado.

Sesentro naman ang testimonya ni Sandiganbayan Associate Justice Geraldyn Faith Econg sa muling pagbuhay ng Regional Court Administration Region 7 kung saan ito ang itinalagang pinuno noon.

Kasama rin sa itatanong kay Econg ang manipulasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) at ang pagkuha ng IT consultant na sumasahod nang mas mataas pa kaysa sa pangulo ng bansa.

Matatanong naman ng mga miyembro ng komite si Sandiganbayan Associate Justice Zaldy Trespeses kaugnay sa manipulasyon sa JBC, pagbili ng Toyota Land Cruiser at pagkuha ng IT Consultant ng SC na hindi idinaan sa public bidding.

Bukod dito, sesentro din ang testimonya ni Trespeses sa mga biyahe ni CJ Sereno kung saan sinasabing nanatili ito at ang kanyang mga kasama sa mga mamahaling hotel at pagsakay sa eroplano sa pamamagitan ng business o first class.

Kasama rin sa itatanong kay Trespeses ang pagsasama ni Sereno ng napakaraming abogado sa kanyang nga biyahe.

Bukod sa tatlong mahistrado dadalo rin si Atty. Michael Ocampo mula sa tanggapan ng punong mahistrado na sinasabing siyang nag utos para sa pagbili ng Toyota Land Cruiser at pagkuha sa IT consultant na si Helen Macasaet.

Inaasahan naman ng komite ang pagdalo ng nasabing IT Consultant matapos itong mabigo noong nakalipas na pagdinig.

Babalik naman para sa kanyang testimonya si SC Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro at iba pang mga opisyal ng Supreme Court.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: house justice committee, Impeachment hearing, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, house justice committee, Impeachment hearing, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.