Bagyong Jenny, nananalasa na sa Taiwan

By Kathleen Betina Aenlle September 29, 2015 - 04:30 AM

www.pagasa.dost.gov.ph

Humina ang bagyong Jenny (Dujuan) matapos nitong mag-landfall sa Northern Taiwan.

Bago tumama sa naturang bansa, nasa 3,000 katao ang inilikas sa Taiwan dahil sa inaasahang pagragasa nito.

Ayon sa PAGASA, kasalukuyan nang nasa 410 kilometro Hilaga Hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes na may hangin na aabot sa 150 kph at pagbugsong aabot sa 185 kph ang bagyo.

Inaasahang kikilos ito pa Kanlurang Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kph at lalabas na mamayang gabi sa layong 675 kilometro Hilagang-Kanluran ng Itbayat, Batanes.

Inalis na rin ang public storm warning signal sa Batanes Islands. Samantala, dito sa Pilipinas, dalawa katao ang iniulat na nawawala sa Zamboanga del Sur sanhi ng Habagat na pinaigitng ng bagyong ‘Jenny’.

Nangingisda umano ang dalawa sa ilog sa Bgy. Bulanit sa bayan ng Labangan nang anurin ng malakas na agos dulot ng flashflood.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.