Mga pulitikong nasa narco-list ni Pangulong Duterte dagsa sa Malakanyang; humihirit na maalis sila sa listahan
Ibinunyag ni Presidential Spokesman Harry Roque na marami nang ‘narco-politicians’ ang sumusugod sa Malakanyang para humirit na alisin na ang kanilang pangalan sa narco-list na hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero ayon kay Roque, wala sa kaniyang kapangyarihan ang maglinis ng mga pangalan sa mga narco-politicians.
Sa halip sinabi ni Roque na kaniya lamang ipinapasa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng cleansing process.
Nilinaw din ni Roque na na ang pag-anib sa PDP-LABAN na partido ng administrasyon ay hindi mangangahulugan na otomatikong matatanggal na sa narco-list ang isang pulitiko.
Ayon kay Roque, bago pa man nanumpa sa partido ang tatlong mayor sa Iloilo na una nang idinawit ng pangulo sa ilegal na droga ay nalinis na ang kanilang pangalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.