Aktibidad ng bulkang Mayon humina; pero malakas na pagsabog, posible pa rin ayon sa PHIVOLCS

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2018 - 07:45 AM

Humina nitong mga nagdaang araw ang aktibidad ng bulkang Mayon.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, bagaman patuloy ang paglalabas ng lava ng bulkan ay hindi naging mataas ang naitatalang ash plume kung ikukumpara noong nakaraang linggo.

Sa araw, bagaman wala aniyang masyadong makikita, pero tuluy-tuloy ang daloy ng lava mula sa bunganga ng bulkan.

“Ang nangyayari po ay patuloy ang paglalabas ng lava. Kapag araw walang masyadong makikita, akala ng mga tao hindi lumalabas ang lava kasi hindi iyan namumula, pero patuloy po iyang dumadaloy,” sinabi ni Solidum sa panayam ng Radyo Inquirer.

Kung ang pagbabatayan aniya ay ang ‘visual observation’ masasabing humina ang bulkan nitong nakaraang mga araw.

Pero gamit ang mga instrument ng PHIVOLCS ay patuloy ang pamamaga nito kaya posible pa rin na ito ay magkaroon ng malakas na pagsabog.

“Ang scenario ay posibleng ganyan na lang ang ipakita niya hanggang sa maubos ang dapat niyang ilabas, o posibleng ring magbuga siya ng malakas kapag naipon ang gas,” dagdag pa ni Solidum.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Renato Solidum, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Renato Solidum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.