Bukas, araw ng Martes, January 30, inaasahang nasa pagitan ng 40 hanggang 50 centavos ang madaragdag sa presyo ng bawat litro ng diesel, gasolina at kerosene.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo na may dagdag sa presyo ng oil products sa pagsisimula ng taong 2018.
Resulta ang linggu-linggong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa pagtaas ng halaga nito sa world market.
Bukod pa dito ang halaga na naidagdag sa presyo ng oil products nang dahil sa excise tax.
Mula January 1 hanggang January 27, umabot sa halos P3 ang nadagdag sa presyo ng diesel at gasolina dahil sa excise tax.
MOST READ
LATEST STORIES