Sa ikalimang sunod na linggo, presyo ng produktong petrolyo muling tataas

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2018 - 07:01 AM

Muling magpapatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Bukas, araw ng Martes, January 30, inaasahang nasa pagitan ng 40 hanggang 50 centavos ang madaragdag sa presyo ng bawat litro ng diesel, gasolina at kerosene.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo na may dagdag sa presyo ng oil products sa pagsisimula ng taong 2018.

Resulta ang linggu-linggong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa pagtaas ng halaga nito sa world market.

Bukod pa dito ang halaga na naidagdag sa presyo ng oil products nang dahil sa excise tax.

Mula January 1 hanggang January 27, umabot sa halos P3 ang nadagdag sa presyo ng diesel at gasolina dahil sa excise tax.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: oil price hike, Radyo Inquirer, oil price hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.