Oplan Tokhang, aarangkada na sa Quezon City ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2018 - 06:32 AM

Simula na ngayong araw ang muling pagpapatupad sa Oplan Tokhang sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Dir. Chief Supt. Guillermo Eleazar, pakikiusapan ang mga gumagamit ng illegal drugs na magbagong buhay.

Mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon ang pagsasagawa ng Oplan Tokhang at mula Lunes hanggang Biyernes lamang base sa guidelines ng PNP.

Tiniyak naman ni Eleazar sa publiko at sa Simbahan na pakikiusap lamang ang kanilang isasagawa kaya walang dapat ipangamba na magiging madugo ang muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Ipinaliwanag ni Eleazar na sa ilalim ng Project Double Barrel ng PNP, ang Oplan Tokhang ang bahagi ng ‘lower barrel’. Sa ilalim nito, pinupuntahan ang mga bahay ng drug users at pinakikiusapan silang tumigil na sa paggamit ng droga.

Sa ‘upper barrel’ naman, nagsasagawa ng police operations ang PNP laban sa patuloy sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga kahit pa sila ay pinakiusapan na sa Oplan Tokhang.

Nitong nakalipas na weekend, sinabi ni Eleazar na aabot sa 225 na police operations ang kanilang isinagawa sa PNP at isa lamang dito ang nagresulta sa engkwentro makaraang paputukan ng isang suspek sa Payatas ang kanilang pulis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Oplan Tokhang, PNP, QCPD, Radyo Inquirer, Oplan Tokhang, PNP, QCPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.