Taguig City, magbibigay ng P3M aid para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Mayon

By Rhommel Balasbas January 29, 2018 - 04:16 AM

 

Nagpasa ng resolusyon ang pamahalaang lokal ng Taguig na nag-aapruba sa tatlong milyong pisong ayuda ng lungsod para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano na tubong Albay din, kabilang sa naturang halaga ang 3,000 relief goods na naglalaman ng canned goods, bigas, face masks at hygiene kits.

Sinimulan din ng lungsod ang pagsasagawa ng medical mission sa Bagumbayan Central School sa lungsod ng Legazpi na nagbigay ng libreng check up at gamot sa mga pamilyang kasalukuyang namamalagi sa evacuation center.

Ipagpapatuloy ang naturang medical mission sa bayan ng Sto. Domingo ngayong araw ng Lunes.

Ayon kay Cayetano, umaasa siya na sa pamamagitan ng simpleng tulong na handog ng kanyang lungsod ay makapagbibigay sila ng pagmamahal at pag-asa sa mga residente.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng calamity assistance fund ang lungsod sa ibang lugar matapos din silang magbigay sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas at sa giyera sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.