Roque sa pahayag ng pangulo na bibigyan ng ’42 birhen’ ang mga foreign investors: ‘Joke lang yun’
Dumepensa si Presidential Spokeperson Harry Roque sa komento ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga negosyante sa India na gagamitin niyang panghikayat sa mga ito ang pagbibigay ng ‘apatnapu’t-dalawang birhen’ sakaling magnegosyo sila sa Pilipinas.
Giit ni Roque, malinaw na ‘joke’ lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang binitiwang salita sa mga dayuhang negosyante kaya’t hindi na ito dapat pang palakihin pa.
Matatandaang umani ng panibagong batikos si Pangulong Duterte mula sa mga women’s groups dahil sa pahayag nito sa India na gagamitin niyang pang-engganyo sa mga foreign investors ang pagbibigay ng apatnapu’t dalawang birhen.
Ito ay inihambing ng pangulo sa ideolohiya ng mga Islamic terrorist na naniniwalang mabibigyan sila ng mga ‘birhen’ sa oras na sila ay mamatay sa pagtupad sa kanilang paniniwala.
Gayunman giit ni Roque na malinaw na nabanggit lamang ito ng pangulo bilang bahagi ng kanyang pagbibiro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.