Showbiz industry, nagdadalamhati sa pagkamatay ni Direk Maryo J. Delos Reyes

By Rhommel Balasbas January 29, 2018 - 01:40 AM

 

Nag-abot ng pakikiramay at pagkilala sa pamamagitan ng social media ang ilan sa mga artistang nakatrabaho ang batikang direktor na si Direk Maryo J. Delos Reyes.

Pumanaw ang direktor sa edad na 65 dahil sa atake sa puso.

Nagpasalamat si Sarah Lahbati sa pamamagitan ng Twitter post sa direktor dahil ito anya ang unang nagtiwala sa kanya at ginabayan siya noong nagsisimula pa lamang sa industriya.

Ayon naman kay Ruffa Gutierrez, nawalan ng isa sa mga pinakamagaling na direktor ang Philippine Cinema. Marami anya silang pinagsaluhang magagandang sandali dahil sa mga proyektong pinagsamahan nila.

Completely broken naman anya ang puso ni Lovi Poe sa pagpanaw ng direktor sa kanyang post sa Instagram at inalala ang kanilang mga

sandali nang shino-shoot ang seryeng ‘Someone to Watch Over Me’.

 

Ilan pa sa mga nakiabot ng pakikiramay sa social media ay sina Bela Padilla, magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi, Lea Salonga, Dingdong Avanzado, Rubi Rodriguez at kapwa mga direktor na sina Theodore Boborol at Joey Javier Reyes.

Ilan sa mga hindi malilimutang obra ni Direk Maryo ay ang mga pelikulang ‘Bagets’, ‘Annie Batungbakal’ at Magnifico.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.