Hindi pa ‘lahar flow’ ang nasasaksihan sa mga ilog sa paanan ng Mayon-Phivolcs
Hindi pa lahar ang nakikita ng mga residente na umaagos sa ilang ilog sa lalawigan ng Albay.
Ito ang paglilinaw ni Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum.
Ayon kay Solidum, ang nasasaksihan ng mga residente ng Maninila sa Guinobatan at mga katabing-bayan ay tinatawag na ‘sediment-laden streamflows’ o buhangin at bato na dumadaloy sa mga ilog at batis.
Ito aniya ay taliwas pa sa karakter ng ‘lahar’ na malapot at mala- semento ang itsura.
Gayunman, iginiit pa rin ni Solidum na dapat ay mabilis na lumikas ang mga residenteng nakatira sa mga gilid ng mga ilog kung sakaling biglang tumaas ang tubig at bumuhos ang putik.
Nitong mga nakaraang araw, nakaranas ng maghapong ulan ang lalawigan ng Albay kung kaya’t may posibilidad pa rin na magkaroon ng lahar flow sa ilang bayan sa paanan ng Bulkang Mayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.