Lalaki, patay matapos mamagitan sa away
Patay ang isang lalaki matapos ilang ulit na undayan ng saksak matapos makialam sa away ng mag-ama sa Brgy. Talipapa, Quezon City.
Nakilala ang biktima na si Eymond Chan, 24-anyos na kainuman ng suspek na si Renato Ayahay.
Alas-kwatro ng hapon nang mag-inuman ang dalawa.
Ayon kay Estrella Ayahay, anak ng suspek, nag-away sila ng kanyang ama dahil ayaw niya itong lumabas pa ng bahay.
Gayunman, bigla umanong nagpumilit pumasok sa kanilang tahanan ang nakainom na biktima at nagtangkang maki-alam sa usapan at alitan ng mag-ama.
Tinanong ng biktima ang sanhi ng away ng dalawa at nasa tatlong beses pang nagpabalik-balik sa bahay ayon kay Estrella.
Matapos anya nito ay lumabas na ang kanyang ama at si Chan.
Ayon naman sa isang Danny Cabansag, narinig niya ang biktima na sumisigaw hanggang sa makita niya itong nakahandusay.
Pinaghahanap naman ngayon ng awtoridad ang suspek na tumakas matapos ang krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.