Indonesia at Malaysia, puwedeng habulin ang mga terorista sa teritoryo ng Pilipinas-Duterte

By Jay Dones January 29, 2018 - 01:53 AM

 

Hindi hahadlangan ng gobyerno ng Pilipinas kung sakaling naisin ng puwersa ng Indonesia at Malaysia na pumasok sa teritoryo ng bansa upang habulin ang mga teroristang grupo.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, maari itong gawin ng Indonesia at Malaysia upang tuluyan nang masupil ang pamamayagpag ng mga terorista.

Gayunman, dapat aniya ay ipagbigay-alam ng Jakarta at Kuala Lumpur sa Armed Forces of the Philippines ang kanilang gagawing hakbang bago ito isakatuparan.

Ito aniya ay kanya nang naipag-bigay alam sa mga lider ng dalawang bansa.

Ubos na aniya ang kanyang pasensya sa mga teroristang grupo, giit pa ng pangulo.

Dagdag pa ni Duterte, kung nanaisin ng Indonesia at Malaysia, ay maari rin aniyang tumulong ang puwersa ng Pilipinas sa pursuit operations kontra sa mga terror groups.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.