Kamara, aprubado na ang panukalang habambuhay na pagkakakulong vs ATM skimmers

By Justinne Punsalang January 28, 2018 - 02:42 PM

Inquirer file photo

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kongreso ang panukalang batas na magpapataw sa mga ATM at credit card skimmers ng habangbuhay na pagkakakulong.

Ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone na siyang pinuno ng committee on banks and financial intermediaries, unanimous ang naging desisyon ng Kamara sa pag-apruba sa House Bill No. 6710.

Sa ilalim ng naturang panukala, ang pag-hack sa computer system ng mga bangko, pagnanakaw ng account details ng 50 o higit pang ATM o credit card, at paglalagay ng virus sa banks system na magreresulta sa pagnanakaw ng account details ay maikukunsiderang economic sabotage.

Ani Evardeone, ang economic sabotage ay isang non-bailable na kaso na bukod sa habangbuhay na pagkakakulong ay may multang aabot sa P5 milyon.

Dagdag pa ni Evardone, noong 2012 pa lamang ay umabot na sa P175 milyon ang nawala dahil sa ATM skimming. Lumobo pa aniya ito hanggang P600 milyon noong 2016.

TAGS: ATM skimmers, House Bill No. 6710, Rep. Ben Evardone, ATM skimmers, House Bill No. 6710, Rep. Ben Evardone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.