Hindi magla-lie low ang Kamara sa pagsusulong sa Charter Change.
Ito ay sa kabila ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang bigyang-prayoridad muna ang Bangsamoro Basic Law bago ang pagbabago sa kasalukuyang porma ng gobyerno na unilateral patungo sa Pederalismo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Congressman Roger Mercado, chairman ng House Committee on Constitutional Amendment na iginagalang ng kanilang hanay ang saloobin ng pangulo.
Tuloy aniya ang pag-aaral nila sa kung anong mga probisyon sa Saligang batas ang kinakailangan na baguhin.
Bukas din aniya ang kanilang hanay sa mga input at suhestyon para masiguro na magiging katangap-tanggap ang magiging bagong porma ng gobyerno.
MOST READ
LATEST STORIES