Phivolcs, nagbabala sa publiko hinggil sa mga kumakalat na balita sa social media
Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) kaugnay sa mga kumakalat na balita sa social media hinggil sa pagkakabilang ng Pilipinas sa Pacific Ring Fire.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, ipinaliwanag ni Phivolcs director Renato Solidum na ang Pacific Ring of Fire ay isang geographic feature kung saan ang mga bansa sa paligid ng Pacific Ocean ay may mga aktibong bulkan at posibleng makaranas ng madalas na paglilindol at kung minsan ay tsunami.
Normal aniya ang mga ganitong aktibidad at walang kaugnayan sa ibang malalayong bansa.
Dagdag pa nito, walang kinalaman ang mga earthquake warnings sa ibang bansa dahil mayroon aniyang kanya-kanyang earthquake generator ang mga bansa.
Mahirap at hindi aniya kontrolado ang social media kung kaya’t iba-iba ang mga nakakarating na balita sa publiko.
Gayunman, sinabi ni Solidum na walang problemang magbigay ng opinyon o pananaw sa mga paglilindol at pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ngunit dapat rin aniyang maglaan ng panahaon para sa ibayong pag-iingat kasama ang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.