Andanar, ipinagtanggol si Uson sa panawagan ng publiko na magbitiw na sa pwesto

By Chona Yu January 28, 2018 - 01:19 PM

Ipinagtanggol ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang kanyang subordinate na si Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagkakamali nito nang sabihin nasa Naga, Camarines Sur ang Bulkang Mayon sa halip na Albay.

Pahayag ito ni Andanar sa gitna ng panawagan ng publiko na magbitiw na si Uson sa kanyang puwesto.

Ayon kay Andanar, nagkamali si Uson at hindi naman nito sinasadya ang mistulang paglilipat ng lugar sa bulkan.

Iginiit pa ni Andanar na hindi naman matatawaran ang dedikasyon ni Uson na sa pagbibigay-serbisyo sa gobyerno at sa publiko.

Gayunman, agad namang nilinaw ni Andanar na karapatan ng bawat isa na magpahayag ng kanilang saloobin at manawagan ng pagbibitiw ni Uson.

Una nang humingi ng paumanhin si Uson matapos mag-viral sa internet dahil sa maling pahayag na nasa Naga na ang Bulkang Mayon.

TAGS: Albay, Bulkang Mayon, Martin Andanar, mocha uson, Naga, Albay, Bulkang Mayon, Martin Andanar, mocha uson, Naga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.