Structural proposition sa mga probisyon sa Saligang batas, ipipresenta ng Kamara bago ang ChaCha

By Chona Yu January 28, 2018 - 01:12 PM

Magpipresenta muna ang Kamara ng structural proposition sa mga probisyon sa Saligang batas na aamyendeahan bago isulong ang Charter Change.

Sa panayam ng Raqdyo Inquirer, sinabi ni Cong. Roger Mercado, chairman ng House Committee on Constitutional Amendment na ito ang napagkasunduan ng mga kongresista matapos ang ginawang pag-uusap nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel para talakayin kung joint o separate voting ang gagawin sa pag-amyenda sa Saligang batas.

Sinabi pa ni Mercado na ito ang magiging basehan para magkaroon ng katanggap-tanggap na proposisyon sa ChaCha sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

Pag-uusapan muna aniya kung anong mga article sa Saligang batas ang kinakailangan na bigyang-prayoridad ng pag-aaral.

TAGS: charter change, Constituent Assembly, Kamara, saligang batas, charter change, Constituent Assembly, Kamara, saligang batas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.