Pagtataglaga ni Pang. Duterte ng Consultative Committee, welcome sa Kamara

By Chona Yu January 28, 2018 - 01:01 PM

Photo credit: Congress

Welcome development sa Kamara ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 19 na miyembro na bubuo sa Consultative Committee na mag-aaral sa 1987 Constitution.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Congressman Roger Mercado, chairman ng House Committee on Constitutional Amendment, walang conflict sa kanilang hanay ang gagawing pag-aaral ng komite.

Sinabi pa ni Mercado na magandang development ito para ma revisit ang konstitusyon.

Ayon kay Mercado, anumang input o suhestyun ng mga legal luminaries ay malaking tulong sa kanilang hanay.

Katunayan, sinabi ni Mercado na bukas, araw ng Lunes ay makikipag-ugnayan siya kay dating Chief Justice Reynato Puno na tumatayong chairman ng Consultative Committee para pag-usapan ang pagsusulong ng Charter Change.

TAGS: charter change, Consultative Committee, Kamara, Rep. Roger Mercado, charter change, Consultative Committee, Kamara, Rep. Roger Mercado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.