Konstruksyon ng MCIA, nasa 89 porsiyento na – DOTr

By Ricky Brozas January 28, 2018 - 10:57 AM

Masayang ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) na 89 porsiyento nang nagagawa ang Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Target ng DOTr, katuwang ang kanilang Public Private Partnership (PPP) sa Megawide GMR, na buksan para sa commercial operations ang bagong terminal sa Hunyo ng 2018.

Ang bagong new world-class passenger terminal building sa MCIA ay may kapasidad na 13 milyung pasahero kada taon na kapwa-makapaglilingkod para sa kanilang domestic and international operations.

Ayon sa kagawaran, ang naturang proyekto ay bahagi ng Build, Build, Build program ng Duterte administration.

TAGS: Bild, dotr, Duterte administration, MCIA, Bild, dotr, Duterte administration, MCIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.