Tatlong eruption ng Bulkang Mayon, naitala ng Phivolcs sa magdamag
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tatlong eruption sa Bulkang Mayon sa magdamag.
Sa datos ng Phivolcs, nagkaroon ng lava fountaining bandang 6:22, Sabado ng gabi; 12:45 at 5:36, Linggo ng madaling-araw.
Hindi aktwal na nasilayan ang naturang aktibidad sa bulkan dahil sa makakapal na ulap bunsod ng umiiral na sama ng panahon.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang lahar warning ng Phivolcs at inabisuhan ang mga residenteng malapit sa mga ilog na maging maingat at alerto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.