Tesda, maghahandog ng livelihood training programs sa mga Mayon evacuees

By Angellic Jordan January 28, 2018 - 08:29 AM

Magbibigay ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) ng livelihood training program para sa mga apektadong residente ng nag-aalburotong Bulkang Mayon sa Albay.

Layon ng programa na matulungan ang mga residente na maging abala at kumita habang namamalagi sa evacuation centers.

Ayon kay Tesda Director General Guiling Mamondiong, isasagawa ang hindi bababa sa limang training programs sa San Francisco Elementary School at Malilipot Elementary School sa susunod na linggo.

Aniya, tuturuan ang 25 bakwit kung paano gumawa ng face mask na maaaring ipamahagi sa mga kasamahang bakwit, pulis at sundalo sa lugar.

Maliban sa paggawa ng face mask, magkakaroon din ng training program sa magmamasahe, manicure, pedicure, at paggawa ng tinapay.

Sa ngayon, aabot na sa 3,000 bakwit ang namamalagi sa dalawang eskuwelahan kung saan karamihan ay mula sa mga bayan ng Calbayog, San Roque at Tugawe.

TAGS: Bulkang Mayon, Malilipot Elementary School, Mayon evacuees, San Francisco Elementary School, Tesda, Bulkang Mayon, Malilipot Elementary School, Mayon evacuees, San Francisco Elementary School, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.