Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay na tulak ng droga.
Ayon kay QCPD Station 6 commander Superintendent Rossel Cejas, nagkasa sila ng drug buy bust operation laban sa mga suspek bandang alas-3:15 ng madaling araw.
Ani Cejas, matapos ang transaksyon at nang aarestuhin na ang mga suspek ay agad na nagpaputok ang mga ito sa mga pulis bago sumakay ng motorsiklo para tumakas.
Hinabol ng mga otoridad ang mga suspek hanggang sa makarating sa Manahan Subdivision kung saan nagpatuloy ang kanilang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng mga drug pusher.
Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre trenta y otso at isang 9mm na baril, bukod pa sa siyam na sachet ng shabu, at isang plastic na may laman namang hinihinalang marijuana.
Natamaan ng bala ang isang pulis ngunit hindi naman ito nasaktan dahil sa bullet proof vest lamang tumama ang bala.
Sa ngayon ay isasailalim sa verification ang motorsiklong gamit ng mga suspek para malaman kung ito ba ay nakaw.