Dating pangulo ng Supreme Court sa Guatemala, patay sa pamamaril
Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang dating pangulo ng Supreme Court sa Guatemala matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Kinilala ang biktima na si Jose Arturo Sierra, 72 taong gulang na nanungkulan sa Supreme Court mula 2013 hanggang 2014.
Sinasabing dalawang lalaki ang bumaril kay Sierra habang ito ay nagmamaneho.
Mariin namang kinondena ng Corte Suprema de Justicia de Guatemala o CSJ ang pamamaslang. Anila, ang pakamatay ni Sierra ay dagdag sa malawakang karahasan na laganap ngayon sa Guatemala.
Sa tala noong 2017, may kabuuang 5,384 ang bilang ng mga indibidwal na napaslang noong 2017, karamihan dito ay mula sa pamamaril at dahil sa drug trafficking.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.