CBCP, nanawagan sa mga awtoridad na sundin ang ‘proper procedures’ sa Oplan Tokhang

By Rhommel Balasbas January 28, 2018 - 04:59 AM

Nanawagan ang presidente ng Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga awtoridad na sundin ang ‘proper guidelines’ sa pagbabalik ng kontrobersyal na ‘Oplan Tokhang’.

Ngayong Lunes na ibabalik ang naturang ‘anti-drug operation’ na ginawan na ng mas mahigpit na panuntunan upang maiwasan na ang pagdanak ng dugo.

Ilan sa mga bagong ‘guidelines’ ay ang pagsusuot ng body cameras ng mga pulis at pagsasagawa lamang ng Tokhang tuwing alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kada araw maliban sa weekends.

Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, nawa’y sumunod sa tamang mga panuntunan ang pulisya sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Hangga’t maaari anya ay maiwasan sana ang pagdanak ng dugo sa mga gagawing operasyon.

Nanawagan din ang pangulo ng CBCP sa mga mamamayan na ipanalangin ang pulisya at mahimok na gawin ang tamang proseso sa pag-aresto ng mga taong pinaniniwalang lumabag sa batas.

TAGS: Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), CBCP Pres. Davao Abp. Romulo Valles, Oplan Tokhang returns on Monday, Philippine National Police, Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), CBCP Pres. Davao Abp. Romulo Valles, Oplan Tokhang returns on Monday, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.