Pagsibak sa ilang pulis, pinag-aaralan ni Duterte
Pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong pagsibak sa ilang mga pulis, kabilang tatlong opisyal ng Philippine National Police.
Sinabi ni Duterte na bilang abogado, nire-review niya muna ang rekomendasyon. Aniya, linakailangang maging maingat sa pagsibak, lalo na sa may mataas na ranggo.
Noong nakalipas na dalawang linggo, inanunsyo ng pangulo ang planong pagsibak sa isang opisyal ng gobyerno, at ilang mga pulis kabilang ang tatlong heneral dahil umano sa katiwalian.
Ilang araw makaraang ianunsyo ni Duterte ito, nagbitiw naman si Patricia Licuanan bilang pinuno ng Commission on Higher Education.
Ayon kay Licuanan, nagbitiw siya sa pwesto makraang makatanggap ng tawag mula sa Malacañang.
Hindi naman tinukoy ni Duterte kung si Licuanan ang kanyang pinatungkulan noon habang wala pang anunsyo ang Malacañang ukol sa planong pagsibak sa ilang pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.