Bahagi ng Atimonan Old Zigzag Road, gumuho

By Rhommel Balasbas January 28, 2018 - 04:41 AM

Photo courtesy of Francis Medel Labios

Dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa Biyernes ng gabi ay gumuho ang bahagi ng Atimonan Old Zigzag Road sa Pagbilao, Quezon.

Alas-kwatro ng madaling araw ng Sabado nang nabitak at gumuho ang ginagawang riprap sa bahagi ng tulay sa Sitio Amao, Brgy. Silangan Malicboy.

Ayon sa mga awtoridad, madadaanan pa ang naturang kalsada ngunit ipinabatid sa mga nagnanais bagtasin ang tulay na iwasan munang dumaan dito dahil mapanganib.

Maswerte namang walang naitalang sugatan sa pagguho.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang monitoring ng lokal na pamahalaan, Municipal Disater Risk Reduction and Management Office at Department of Public Works and Highways sa lugar.

Sakaling magpatuloy ang pag-ulan hanggang ngayong araw ay may posibilidad na isara muna ang kalsada.

TAGS: Atimonan Old Zigzag Road, pagbilao, Quezon, Atimonan Old Zigzag Road, pagbilao, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.