Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na nagsasagawa ngayon ng fault analysis ang MRT tungkol sa insidente.
Ayon pa dito, inutusan na ng kagawaran ang pamunuan ng MRT na maglabas ng pahayag kapag natapos na ang pagsusuri tungkol sa naging resulta nito.
Humingi naman ng pang-unawa at pasensya ang DOTr sa publiko habang inaaksyunan at isinasaayos nila ang sistema ng MRT.
Nauna naman nang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na paparating na ang mga spare parts para sa pagsasaayos ng MRT sa mga susunod na araw.
Ayon pa kay Tugade, pinag-uusapan na rin sa ngayon ang posibleng pagbabalik ng Sumitomo bilang maintenance provider ng MRT.
Pinag-aaralan na rin sa ngayon ang proposal mula sa isang consortium na pinamumunuan ni Manny Pangilinan na silang posibleng maging bagong maintenance provider ng MRT.