DOTr humingi ng paumanhin dahil sa pag-usok ng MRT

By Justinne Punsalang January 28, 2018 - 04:08 AM

Nagpaabot ng paumanhin ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa daan-daang mga pasahero na pinababa sa MRT dahil sa pag-usok ng isa sa mga bagon nito noong Biyernes.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na nagsasagawa ngayon ng fault analysis ang MRT tungkol sa insidente.

Ayon pa dito, inutusan na ng kagawaran ang pamunuan ng MRT na maglabas ng pahayag kapag natapos na ang pagsusuri tungkol sa naging resulta nito.

Humingi naman ng pang-unawa at pasensya ang DOTr sa publiko habang inaaksyunan at isinasaayos nila ang sistema ng MRT.

Nauna naman nang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na paparating na ang mga spare parts para sa pagsasaayos ng MRT sa mga susunod na araw.

Ayon pa kay Tugade, pinag-uusapan na rin sa ngayon ang posibleng pagbabalik ng Sumitomo bilang maintenance provider ng MRT.

Pinag-aaralan na rin sa ngayon ang proposal mula sa isang consortium na pinamumunuan ni Manny Pangilinan na silang posibleng maging bagong maintenance provider ng MRT.

TAGS: MRT apologizes for MRT mishap, MRT apologizes for MRT mishap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.