Magnolia Hotshots, nagtala ng apat na sunud-sunod na panalo sa PBA Cup

Mark Barroca | Photo courtesy of PBA

Sa kabila ng injury na tinamo ng isa sa mga star players ng Magnolia Hotshots na si Paul Lee ay hindi nagpapapigil ang koponan sa PBA Cup.

Ito ay matapos padapain ng Hotshots ang Talk N Text Katropa sa iskor na 91-83 sa laban nila kagabi sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nagtamo si Lee ng high-ankle sprain dahilan para iwanan niya ang laro makalipas ang third quarter.

Matapos iwan ni Lee ang laro ay tulong-tulong ang kanyang teammates upang makamit ang panalo.

Matapos ang third quarter ay nakapagtala ng 22 puntos ang Magnolia sa tulong ng 12 puntos ni Justin Melton.

Isang minuto naman bago matapos ang laban ay isang 3-pointer shot ang pinakawalan ni Ryan Reyes habang nasiguro ang pagkapanalo dahil sa jumper at dalawang free throws ni Mark Barroca.

Naitala ni Barroca ang 20 points. eight rebounds at five assists na ayon sa kanilang Coach na si Chito Victolero ay inspirado dahil siya ay ikakasal muli.

Naitala na ng Hotshots ang 5-1 win-loss record na pumapangalawa sa 5-0 ng Beermen habang bumagsak sa 3-3 ang Talk N Text.

Read more...