Darating na linggo magiging maulan ayon sa PAGASA
Makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang sa malakas na mga pag-uulan ang ilang mga lugar sa bansa sa buong darating na linggo.
Ayon sa PAGASA, ang mga pag-uulan ay dulot ng northeasterlies at tail-end of a cold front.
Sa abiso ng PAGASA, makakaranas ngayong araw ng linggo hanggang bukas, araw ng Lunes ng pag-uulan ang mga baybaying dagat ng Surigao, Davao Oriental, Dinagat Islands, at Siargao.
Uulanin naman sa Martes at Miyerkules ang mga probinsya ng Samar at Surigao, Southern Leyte, Davao Oriental at Dinagat Islands, at Siargao.
Samantalang sa Huwebes ay magiging maulan sa mga probinsya ng Samar at Leyte, Bohol, Surigao, Davao Oriental at Dinagat Island, at Siargao.
Pagdating ng Biyernes, asahan ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan sa Batanes at Babuyan group of islands, Northern Cagayan, hilagang bahagi ng Ilocos Norte, Isabela, at Aurora.
Asahan na rin ang maulan na linggo para sa mga lugar ng Rizal, Quezon, Camarines Norte at Sur, na dala ng northeasterlies.
Panaka-nakang pag-uulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Pilipinas, kabilang ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.