BREAKING: Direk Maryo J. de los Reyes pumanaw na

By Justinne Punsalang January 28, 2018 - 02:36 AM

Namayapa na sa edad na 65 ang batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Sa impormasyong natanggap ng Radyo Inquirer, nasa isang party sa Dipolog City si de los Reyes nang atakihin sa puso.

Agad itong isinugod sa ospital, ngunit idineklara nang patay sa oras na alas-10 ng gabi ng January 27.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na impormasyon ang pamilya ni de los Reyes tungkol sa burol ng direktor.

1970s nang unang sumikat si de los Reyes. Ilan sa kanyang mga tanyag na pelikula ay ang Annie Batungbacal, Bagets, Magnifico, at Unmarried Wife.

TAGS: Direk Maryo J. de los Reyes, Direk Maryo J. de los Reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.