Bulkang Bulusan at Kanlaon inoobserbahan na rin

By Justinne Punsalang January 28, 2018 - 01:04 AM

Inoobserbahan ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon at Bulkang Kanlaon sa Negros matapos makitaan ng senyales ng volcanic activity.

Ayon kay NDRRMC executive director at Office of the Civil Defense (OCD) administrator Ricardo Jalad, nitong Sabado ay nakapagtala na ang PHIVOLCS ng ilang mga volcanic earquakes sa lugar malapit sa mga nasabing bulkan.

Sa bulletin na inilabas ng PHIVOLCS noong January 17 ay nakasaad na nakitaan ang Bulusan ng ‘low to moderate levels of unrest.’ Sa parehong abiso ay sinabi rin ng PHIVOLCS na mayroong tsansa na magkaroon ng mas marami pang pagyanig at pagsabog sa Bulusan

Ayon kay PHIVOLCS director Renato Solidum, sa kanilang monitoring ng walong aktibong bulkan sa bansa ay tanging ang Mayon, Taal, Kanlaon, at Bulusan ang nakikitaan ng volcanic activities.

Pagtitiyak naman ni Solidum, normal lamang sa nasabing mga bulkan na magkaroon ng mga volcanic activity.

TAGS: Mt. Kanlaon and Mt. Bulusan, Mt. Kanlaon and Mt. Bulusan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.