Valentine’s Day sasalubungin ng pait ng isang theater group

By Gina Salcedo January 27, 2018 - 11:17 PM

Naghahanda na ang isang local theater group para salubungin ng bitterness ang araw ng mga puso.

Sa ika-75 anibersaryo ng National Book Store na ginanap sa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City nitong gabi ay nagtanghal ang ilang miyembro ng #TeamAmpalaya ng mga monologues tungkol sa pait at sakit ng pagmamahal.

Sa temang #NBSWordsandLetters ay nagtanghal ang ‘Bitter Writer’ mula sa Theatre in Alternative Platforms (TAP) na si Mark Ghosn, maging ang iba pang spoken word artists, kagaya ni Juan Miguel Severo ng Words Anonymous.

Dalawang monologues ang itinanghal ni Mark. Ang una ay ang “Minsan Isang Muntikan” na para mga may ‘the one that got away’, at ang “Panata ng Pusong Bagong Laya” na para naman sa mga pusong naghihilom.

Sa kanya namang unang pagtatanghal ay ginanapan ni Justinne Punsalang ang karakter ng isang advertising manager sa Ampalaya Monologue na pinamagatang “Babalikan Kita.” Itatanghal ulit ni Justinne ang “Babalikan Kita” sa Valentine’s show ng Ampalaya Monologues na Camp Ampalaya na gaganapin sa February 17 sa Green Sun Mall sa Makati City.

Bukod sa monologues ay mayroon ding Ampalaya Book na isang koleksyon ng mga monologues na isinulat ni Mark. At in the works na rin sa ngayon ang Ampalaya Movie.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.