FDA, nagbabala vs ilang school supplies na may mataas na lebel ng kemikal

By Angellic Jordan January 27, 2018 - 05:37 PM

Inquirer file photo

Pinaalalahanan ng Food and Drug Aministration (FDA) ang publiko sa pagbili at paggamit ng ilang gamit sa eskuwelahan na mayroon umanong “unacceptable level” ng heavy metals.

Natagpuan ng ahensya na mataas ang lebel ng lead, cadmium at mercury sa mga sumusunod na produkto:

– 12 in 1 Pencil,
– Fairyland 16 Crayons at,
– Leeho Glotter Fabric Paint Pens

Sa hand-to-mouth behavior ng mga bata, posibleng anilang mabilis na makontamina sa mga naturang kemikal.

Maaari anilang magresulta ito sa neurological damage, mabagal na mental at physical development, at problema sa pandinig.

Kasunod nito, hinikayat ng ahensya ang lahat ng law enforcement agency at local government units na tiyaking hindi maibebenta sa merkado ang mga nabanggit na produkto.

TAGS: cadmium, FDA, lead, mercury, cadmium, FDA, lead, mercury

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.