Pagtatayo ng gym sa mga disaster-prone areas, isinusulong ni Sen. Recto
Sa pagtuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, hinikayat ni Senador Ralph Recto ang gobyerno na magtayo ng mga gymnasium para magsilbing evacuation centers sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad sa bansa.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Recto na maiiwasan ang mga eskuwelahan na gawing otomaikong evacuation center sa mga panahon ng kalamidad.
Aniya pa, maaaring gamitin ang pasilidad para itabi ang mga disaster rescue equipment at emergency supplies, magsilbing headquarters ng mga local disaster management committee at idaos ang iba’t ibang community events sa mga ordinaryong araw.
Iginiit rin ng senador na dapat itong maging bahagi ng disaster response infrastructure ng bansa bilang ikalawa sa most disaster-prone country sa mundo.
Matatandaang simulan ni Recto ang pagsusulong na palawakin ang evacuation center-building program sa bansa noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.