Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam ng PDEA sa Negros Occidental

By Angellic Jordan January 27, 2018 - 12:42 PM

Inquirer file photo

Nasabat ang tatlong milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Negros Occidental.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino, kinilala ang umano’y drug dealer na si Christian Unabia, residente ng Barangay Palampas sa bayan ng San Carlos.

Inaresto si Unabia ng mga otoridad matapos makipagkasundo na magbenta ng droga sa nagsilbing poseur-buyer na isang opisyal ng PDEA.

Nakuha sa suspek ang walong pakete ng 608 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3,040,000 at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buybust operation, Christian Unabia, Negros Occidental, PDEA, buybust operation, Christian Unabia, Negros Occidental, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.