Lahar warning itinaas ng Philvocs sa paligid ng bulkang Mayon

By Angellic Jordan January 27, 2018 - 11:43 AM

Radyo Inquirer

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mataas ang posibilidad na magkaroon ng lahar flow sa paligid ng Bulkang Mayon sa Albay.

Paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum, ito ay dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa lugar.

Maaari aniyang anurin ng tubig-ulan ang mga binubugang abo at bato ng nag-aalburotong bulkan.

Dahil dito, maliban sa mga lugar na sakop ng danger zone, pinaalalahanan rin ni Solidum ang mga residenteng nakatira malapit sa mga ilog na pansamantalang lumikas.

Delikado aniya ang lahar flow sa mga malapit sa ilog sa mga bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Legazpi City at Santo Domingo.

Batay naman sa ulat ng PAGASA, tail end ng cold front ang sanhi ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa Luzon kasama ang Bicol region at Eastern Visayas.

TAGS: Albay, lahar, mayon, Philvocs, Albay, lahar, mayon, Philvocs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.